In-Game and Community Rules

[GUIDE] In-Game and Community Rules | POSTED BY: Admin 04.18.2020

MGA PATAKARAN SA BAHAY NI REPPA!

1) MATUTONG RUMESPETO!
Kung wala kang respeto sa namumuno wag ka dito repa! maraming iba jan na pwede mo muramurahin o underin wag kami!

2) HINDI TO ADVERTISING GROUP/SERVER!
Bawal na bawal mag post/share o in-game shout ng kahit anong laro! Wag babaero! maging loyal kayo!

3) BAWAL WEAK HEART DITO! OPEN TRASHTALK MGA MAHIHINA!
Pwede lahat ng masasakit na salita, ang tunay na gamer sanay sumalo ng trashtalk! wag lng kami ttrashtalkin nyo baka masaktan ka haha!
Bawal mag post ng mga pogi at magagandang picture ng ka trashtalkan nyo! makontento kayo sa murahan nyo mga timawa!
Pwede mag suntukan pero online lang!

4) Buy & Sell
Hindi to Hachi Buy & Sell baka may mag live jan mag pa mine mine ha!
Bawal dito ang pagbili ng In-game items via PHP o real money..
Pero pwedeng mag benta at bumili ng Gold (In-game Currency) via PHP..
Lahat ng transaction na may real money involve ay kelangan dumaan sa aming Midman para mapanatiling safe ang transaction o Scam Free ang ating server.
Kami ay mag dedeclara ng Suggested Rate Price (SRP) para sa Gold.
Layunin ng patakaran na to na hindi masira ang gold market rates at mapanatiling Scam free ang server
Lahat ng mahuhuling lalabag ay makakatangap ng karampatang parusa.

5) RESPONSIBILIDAD NG BAWAT MANLALARO
Para sa mga batang pasaway! wala ng intro intro tangina nyo agad wag kayo dito!
Anu mang Errors o bug na makita in-game ireport agad sa amin.
Sino mang mapatunayang abuser o gumagawa ng nasabing glitch, bug o ano pa yan. ipapatokhang ko kayo!
Mga reppa wag sana kayo pasaway at tulungan nyo kami para mapatatag ang server o laro na to.

 

Magiging bukas ang aming grupo para sainyong mga suggestion, pero wag mag tatampo pag hindi nasunod ang gusto, may sarili kaming gameplay at mga patakaran wag igaya sa ibang server.
Kung ayaw nyo sa gameplay o mga patakaran namin, hanapin nyo sa ibang server ung gusto nyo.


Respeto lng at sisiguruhin namin sainyo ang pang matagalan at masayang laro!

Sino mang mapatunayang lumabag o may nalabag sa mga nasabing patakaran ay makakatangap ng karampatang parusa depende sa bigat ng nagawang kasalanan!

TIME!!!